Matagal hinintay ni Angelica Panganiban ang asawang si Greg Homan na dumating sa buhay niya. Pero ayon sa aktres, worth the wait naman ang asawa dahil ito ang eksaktong hiniling niya at inilagay sa mood board. Sa pagbisita ni Angelica sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, December 15, ibinahagi niya ang naging kwento ng pagkakilala at pagsisimula nilang mag-asawa. Kwento ng aktres, 2018 pa dapat sila unang nagkakilala, ngunit hindi natuloy. Nasa New Zealand kasi noon si Greg, habang nasa Pilipinas naman si Angelica. “Ako naman, nasa Zambales, kasama ko si Cherry Pie (Picache) kasi siya naman talaga 'yung mapilit na mag-meet up kaming dalawa. And then hindi natuloy, nasa New Zealand siya, so parang okay, it's not meant to be,” sabi ng aktres. Ngunit ang hindi niya alam, magla-lock-in taping siya sa Subic para sa isang proyekto kung saan niya unang makikita at makikilala si Greg. Ani Angelica, doon na nagsimula ang kanilang love story. Alamin ang kwentong pag-ibig nina Angelica at Greg sa gallery na ito: