Lalaking na-comatose, babawi sa mga mahal sa buhay sa 'Regal Studio Presents: Fast Forward'

Isang special Christmas story ang mapapanood sa weekly anthology series na Regal Studio Presents. Pinamagatang "Fast Forward," kuwento ito ni Lance (Kelvin Miranda) na mako-comatose dahil sa isang aksidente. Bago nito, hindi naging mabuting anak at kapatid si Lance. Inconsiderate at insensitive din siya bilang isang boyfriend. Mabibigyan siya ng pangalawang pagkakataon nang magising siya matapos ang 12 years. Makakabawi pa ba si Lance sa mga mahal niya sa buhay? Huwag palampasin ang Christmas special na "Fast Forward," December 21, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents . Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream. Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito: