Mav Gonzales, Matthew Valeña, nagsimula ang relasyon sa isang dating app

Maituturing bilang isa sa mga pinakamabilis ang naging takbo ng relasyon ng GMA News reporter na si Mav Gonzales at aktor na si Matthew Valeña . Ilang buwan lang kasi matapos silang magkakilala ay na-engage at nakasal na sila. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, December 19, tinanong ni King of Talk Boy Abunda ang naging simula ng kanilang relationship. Binalikan ng batikang host ang pinsot noon ni Mav. “In 2019, you posted, 'Mas mabuti nang wala kesa sa mali.' Where was that coming from?” ani Boy. Sagot naman ni Mav, pinost niya iyon dahil marami na ang nagsasabi na nawawalan na siya umano ng oras dahil 29 na siya ngunit wala pang asawa. “Sabi ko, kesa mamili ako ng kahit sino lang, kasi I do date, pero kung hindi talaga nagwo-work o hindi talaga siya okay for me, e, di 'wag na lang,” sabi ni Mav. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na naghanap si Mav ng mamahalin. Alamin ang kwentong pag-ibig nila ni Matthew sa gallery na ito: