Nabigyan ng kulay at buhay ang Metro Manila noong Biyernes, December 19, nang opisyal nang ganapin ang inaabangang Parade of Stars para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) . Tulad ng mga nagdaang taon ay nagpasiklaban ang mga MMFF entries ng kani-kanilang floats, na espesyal na hinanda para sa nasabing event, pati na rin sa mga fans. Kabilang dito ang walong mga kasali sa sa 2025 MMFF: Bar Boys: After School , Call Me Mother , I'mPerfect , Love You So Bad , Manila's Finest, Rekonel, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins , and UnMarry . Sinundan naman ito ng Music Fest na mas nagbigay-buhay sa ika-51 na Metro Manila Film Festival. Tingnan ang mga kaganapan sa nagdaang MMFF 2025 Parade of Stars at Music Fest sa gallery na ito: