Daig Kayo Ng Lola Ko: Jingle Bell, mapapadpad sa headquarters ni Santa?

Ilang araw bago ang Pasko at itinakdang deadline kay Jingle Belle ( Shayne Sava ) ni Jolly Bear, mapupunta ang pasaway nating bida sa headquarters ni Santa Claus. Nangyari ito, dahil ninakaw ni Jingle ang ribbon ng magical bear sa paniniwala na ito ang magiging susi para maibalik siya sa pagiging tao. Kaso, dinala siya nito sa North Pole kung saan mame-meet niya sina Santa at Randy! Ano ang gagawin ni Santa sa bad girl na si Jingle? Heto ang ilang eksena sa finale ng “Jingle Bear” sa ' Daig Kayo Ng Lola Ko ' sa December 26.