Para sa mga foodie ang episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents ngayong Linggo. Isang fashionista ang magmamana ng litsunan ng kanyang mga magulang sa episode na pinamagatang "Litsunera." Matapos ang hindi inaasahang pagkamatay ng kanyang nanay at tatay, mapupunta kay Say (Mikee Quintos) ang kanilang longtime lechon business. Walang alam sa pagpapatakbo ng negosyo ni Say dahil mas interesado siya sa fashion at online trends. Sa katunayan, mas inuuna pa niyang pasikatin ang litsunan sa social media kesa pag-aralan ang mga itinuturo ni Mang Ruben na matagal nang katiwala ng kanyang mga magulang sa negosyo. Bukod dito, interesado rin ang tiyahin ni Say na bilhin na lang sa kanya ang lechon business. Kaya bang ipagpatuloy ni Say ang negosyong sinimulan ng kanyang mga magulang? Huwag palampasin ang "Litsunera," December 28, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents. Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream. Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito: