Ipinagdiwang nina Camille Prats at VJ Yambao ngayong December ang kanilang 13 years of togetherness. Bukod sa magandang estado ng kanilang relasyon, ipinagpapasalamat din nila ang maayos na pagsasama ng kanilang blended family. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, ikinuwento nina Camille at VJ na bukod sa social media platforms na Facebook at Path, naging tulay rin nila ang anak ng huli na si Ice upang mabuo ang kanilang relasyon. LINK: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/fast_talk_with_boy_abunda/ Pagbabahagi ni Camille, noong eight years old pa lang si Ice ay nag-aaral na ito sa school na itinayo at mina-manage ng aktres sa village nila. “So nu'ng nag-move up si Ice, itong si VJ, nakita ko na siya 'yung nagre-receive ng certificate. Sabi ko, 'Kamukha nito 'yung kaklase ko nu'ng grade 2.' Ta's Yambao, sabi ko, 'Yambao? Yambao din 'yun, e, si John Jericson Yambao,'” sabi ni Camille. At noong umakyat si VJ para tumanggap ng certificate para kay Ice, tinanong na siya ni Camille kung siya ba ang kaklase nito na kinumpirma naman ni VJ. Alamin kung paano nabuo ang blended family nina Camille at VJ sa gallery na ito: