Pumanaw na ang komedyante na si Douglas Arthur Supnet, o mas kilala bilang si “Kuhol,” sa edad na 66. Inanunsyo ng kaniyang kapatid na si Carol ang kaniyang pagpanaw sa isang Facebook post. “Share your laughter in heaven, Manong Philip...We will miss you our "little-big" brother... We love you... May you rest in peace, Amen ?” sulat ni Carol sa kaniyang post. Sa imahe na ibinahagi ni Carol, nakasaad na pumanaw ang aktor noong Disyembre 22. Nakaburol si Kuhol sa Ascension of Our Lady of Parish sa Quezon City mula Disyembre 23 hanggang 26. Sa comments section ay nagpahiwatig ng kanilang pakikiramay ang ilang netizens, at nagpahayag ng suporta kay Carol at sa kanilang pamilya. Kilala si Kuhol sa pagganap sa sidekick roles sa mga pelikula at telebisyon noong 1990s at 2000s. Ilan sa mga pelikula niya ay Juan Tamad at Mr. Shooli: Mongolian Barbecue , Juan & Ted: Wanted , at Walang iwanan… Peksman! KILALANIN ANG MGA KOMEDYANTENG NAGPASAYA NOON NA PUMANAW NA SA GALLERY NA ITO: