Puno ng pagmamahal at pagbibigay-saya ang handog ng GMA Network ngayong taon sa pinakabagong Christmas Station ID na “Puno ng Puso ang Paskong Pinoy.” Ang heartwarming jingle ng GMA Christmas Station ID 2025 ay inawit ng mahuhusay na singers ng Kapuso network na sina Zephanie, Mitzi Josh, Kayla Davies, Angel Cadao, Sabrina Cuervo, at P-pop boy group na Cloud 7. Ang “Puno ng Puso ang Paskong Pinoy” ay binuo nina Josel Andrew P. Baraquel at Samantha Toloza. Silipin ang behind the scenes ng GMA Christmas Station ID 2025 recording sa gallery na ito.