Halos 3-buwan nang walang maayos na silid-aralan at tahanan ang mga residente sa Medellin, Cebu mula nang lumindol doon nitong Setyembre. Nitong pasko, doon nagdala ng regalo ang GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng "Give-A-Gift Alay sa Batang Pinoy Christmas Project."