Ysabel Ortega, Sassa Gurl, paano binago ng karanasan sa Pasko

Magkaibang-magkaiba ang kabataan at Pasko na pinagdaanan ng Shake, Rattle, and Roll: The Evil Origins stars na sina Ysabel Ortega at Sassa Gurl . Kaya naman, iba rin ang paraan kung papaano sila binago ng karanasan na ito. Aminado naman sina Ysabel at Sassa na malaki na ang pinagbago ng kanilang buhay noon kumpara kung nasaan sila ngayon. “Masaya po siya, pero alam mo naman po hindi ganu'n karangya ang pamumuhay ko. Pero I think, yun po yung nag-shape sa 'kin kung ano yung character ko at personality ko ngayon,” sabi ni Sassa sa Fast Talk with Boy Abunda nitong December 26. Tingnan kung ano na nga ba ang nagbago sa buhay nina Ysabel at Sassa sa dahil sa karanasan ng kanilang kabataan tuwing kapaskuhan sa gallery na ito: