Bianca King, ano ang naging buhay sa anim na taong wala sa showbiz?

Matapos ang anim na taon ay nagbabalik si Bianca King bilang isa sa mga pinakabagong Sparkle stars ng GMA Network matapos siyang pumirma sa Kapuso talent agency kamakailan lang. Sa anim na taon na pahinga ng aktres sa showbiz, marami ang nagtataka kung ano na nga ba ang naging buhay niya sa mga panahon na wala siya sa spotlight? Ibinahagi ni Bianca sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong December 29 ang naging buhay niya matapos mawala sa showbiz ng ilang taon, noong manirahan siya sa Australia kasama ang asawang si Ralph Wintle at kanilang anak. “Sa Australia po. Sa Australia ako, du'n ako nanirahan ng limang taon na hindi planado pero nangyari kaya in-embrace ko na lang siya,” pagbabahagi ni Bianca tungkol sa ginawa niya sa anim na taong wala siya sa show business. Alamin ang buong kwento ng naging buhay ni Bianca sa gallery na ito: