Buhay ni Jong Madaliday, tampok sa 'Magpakailanman'

Isang celebrity life story ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman . Mapapanood ngayong Sabado ang kuwento ng buhay ng singer at The Clash alum na si Jong Madaliday. Si Jong pa mismo ang gaganap sa kanyang sarili para ibahagi ang mga karanasan niya bago naging isang singing champion. Abangan ang brand-new episode na "Heart of a Champion: The Jong Madaliday Story," January 3, 8:15 p.m. sa Magpakailanman . Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream . Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: