Pokwang, inilarawan ang kaniyang 2025

Isang roller coaster ride na maituturing ng TiktoClock host at comedienne na si Pokwang ang kaniyang 2025 matapos ang pinagdaanan niyang pagsubok nitong mga nakaraang taon. Ibinahagi pa ng komedyante at host sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes ang maituturing niyang malas at suwerte nitong nagdaang taon, partikular na sa larangan ng pag-ibig at negosyo. “Pag-ibig pa rin, wala pa rin, wala pa rin nakinabang. Pero sa negosyo, in fairness, ang aking negosyo, beautiful problem 'yung aking negosyo. Wala na po akong maitinda kasi naso-sold-out agad,” sabi ni Pokwang. Nang tanungin naman siya ni King of Talk Boy Abunda tungkol sa pananaw niya sa muling pagmamahal, sinabi ni Pokwang na kung dati ay tinatanggihan niya ang pag-ibig, ngayon ay hindi na. “Sabi ko, parang ang unfair naman so hayaan na lang natin. Sabi ko, 'God, bahala ka na. Kung alam mong para sa akin at galing sa'yo, perfect 'yun,'” sabi ng aktres. Samantala, tingnan kung ano ang pananaw ni Pokwang sa kaniyang suwerte noong 2025 sa gallery na ito: