Bianca Umali, proud sa sarili sa lahat ng achievements noong 2025

Sinalubong ng Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Bianca Umali ang taong 2026 na proud sa kanyang sarili. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Bianca kung gaano siya ka-proud sa sarili matapos ang lahat nang pinagdaanan noong nagdaang taong 2025. “Self, I'm proud of you — For the battles no one sees. For the strength you don't talk about. For the days you keep going when you don't know how,” sulat ni Bianca sa kanyang post. Nagpasalamat naman si Bianca sa isang bukod na Instagram post sa nagdaang taong maraming blessing at accomplishment ang ibinigay sa kaniya: “Salamat, 2025, for what you gave and what you taught.” Sa kanyang post, binalikan ni Bianca ang ilang milestones at happy moments noong 2025. Tingnan sa gallery na ito: