Celebrity ex-couples na nanatiling magkaibigan para sa anak

Mahirap man tanggapin, ang katotohanan ay hindi lahat ng love story ay may happy ending - kahit na artista ka pa. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na hindi na pwedeng maging magkaibigan ang dating nag-iibigan, lalo na kung nagkaroon sila ng mga anak noong magkarelasyon pa sila. Mula kay Kapuso actress Kylie Padilla at sa dating asawa niyang si Aljur Abrenica hanggang kay Star for all Seasons Vilma Santos at Edu Manzano, maraming ehemplo ng mga celebrity ex-couple na naging matiwasay ang samahan pagkatapos ng hiwalayan. Narito ang ilang artistang dating magkasintahan na nanatiling magkaibigan para sa kapakanan ng kanilang mga anak.