Dennis Trillo, may pakiusap na tantanan sila ni Jennylyn Mercado ng mga nangiintriga

Buong puso na ipinagtanggol ng multi-awarded TV-movie actor na si Dennis Trillo ang kaniyang misis na si Jennylyn Mercado mula sa kumakalat na blind item sa showbiz na isang 'power couple' diumano ang hiwalay na. Taong 2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic ay nagdaos ng simple wedding sina Dennis at Jennlyn o mas kilala sa tawag sa kanila ng fans na 'DenJen.' Sa isang Facebook post, may pakiusap ang Sanggang Dikit FR star na tigilan silang mag-asawa at inilarawan pa ni Dennis na isang pribilehiyo na siya ang pinili ni Jen na maging katuwang sa buhay. Sabi ng Kapuso actor, “Sa mga hindi po nakakakilala sa aking asawa, isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko. Isang pribilehiyo na ako ang pinili niyang makasama habang buhay.” Hiling din ng mahusay na aktor na tigilan ang pagdawit sa kaniyang mga magulan na nanahimik. “Ang mga magulang ko naman ay may edad na po. Hindi din sila showbiz at tahimik lang sila na namumuhay... wag naman sana sila bigyan ng isyu.” Binigyan-diin ni Dennis. Pagpapatuloy nito, “Mahal na mahal ko po silang lahat at Maayos ang samahan namin kahit di man kami madalas nagkakasama dahil sadyang busy ang aming mga schedules. “2026 na po, magfocus nalang tayo sa pagiging mabuting tao. Madaming problema ang ating bansa na mas kailangan nating pagtuunan ng pansin. “Maiksi lang ang buhay, piliin natin maging masaya at mabuti araw araw. Source: Dennis Trillo (FB) May isang anak ang Trillo couple na si Dylan na isinilang noong April 2022. Samantalang, anak naman ni Jennylyn si Alex Jazz sa ex niya na si Patrick Garcia. Meron din anak na lalaki si Dennis na si Calix Andreas na supling nila ng ex-beauty queen na si Carlene Aguilar. RELATED CONTENT: Inspiring blended families of celebrities