Isa sa P-pop idol na inabangan ng fans nang sumabak sa acting ay ang SB19 member na si Justin De Dios. Sa kabila ng pagiging baguhan sa acting ay hinangaan ng marami ang husay na ipinamalas ni Justin bilang Ec'naad sa Sang'gre na napanood noong September 2025. Sa pagsisimula ng 2026, inaabangan na ng fans ang leading role ni Angela Muji , mula sa P-pop girl group na Ppop Generation, sa Philippine adaptation ng hit Korean film na A Werewolf Boy , kung saan kasama niyang bibida ang ka-love team niyang si Rabin Angeles. Narito ang ilan pa sa P-pop group members na mula sa performing ay sumabak na rin sa acting: