Ashley Rivera, Hershey Neri, natupad na ang manifestations sa buhay?

Pinatunayan ng “Chicks 2 Go” podcast hosts at comediennes Ashley Rivera at Hershey Neri na epektibo ang manifestations nang ibahagi nila ang mga pangarap na natupad nila kamakailan lang. Matatandaan na ipinakilala si Ashley Rivera bilang pinakabagong calendar girl ng isang whisky brand. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, sinabi ng aktres na hindi lang niya ito minanifest, nagparinig siya para dito. Samantala, natupad naman ni Hershey ang kaniyang movie dream nang bumida siya sa pelikulang “Ang Happy Homes ni Dianne Hilario” kasama si Angeline Quinto. Alamin kung papaano nga ba natupad nina Ashley at Hershey ang kanilang manifested dreams sa gallery na ito: