Muling nagbabalik si Kris Bernal sa telebisyon sa pagbida niya sa upcoming series na House of Lies . Ngunit mula sa pagiging bida sa mga dating proyekto ng aktres, ngayon ay gaganap na siya bilang isang kontrabida. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, binalikan ni Kris ang naging journey niya bilang aktres. Mula sa pagiging tinaguriang rater sa panghapon, hanggang sa kaniyang kontrabida days at kalaunan, ang pag-alis niya panandalian sa showbiz para maging isang ina at asawa. Tingnan kung ano ang naging takbo ng karera ni Kris at kung papaano niya tinanggap ang mga pagbabago dito sa gallery na ito: