Masasabing isa nang kilalang mang-aawit ang Gen Z Crooner na si Rob Deniel dahil sa dami ng fans at nakakakilala sa kaniya. Sa katunayan, ngayong February 27 na gaganapin ang first-ever solo concert ng singer-songwriter sa Smart Araneta Coliseum. Ngunit ang hindi alam ng marami, hindi naman talaga pinangarap ni Rob ang maging isang singer. Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, ibinahagi ng singer ang tunay niyang pangarap noon. Alamin ang kwento ng karera ni Rob at kung papaano nagsimula ang paglalakbay niya sa musika sa gallery na ito: