Barbie Forteza stuns at 'Until She Remembers' red carpet premiere

Mapapanood na ngayong love month ang pinagbibidahang pelikula ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na Until She Remembers . Makakasama niya rito ang iconic actresses na sina Charo Santos-Concio at Boots Anson Roa-Rodrigo . Sa katunayan, kamakailan lang ay ginanap ang premiere night ng kanilang pelikula sa SM North The Block. Dinaluhan ito hindi lang ng mga bida, kundi maging ng ilan sa mga Kapuso at Sparkle stars na nagbigay suporta sa aktres. Tingnan ang naganap na red carpet premiere night sa gallery na ito: