Hindi maitatanggi na isa sa mga pinaka-competitive na industriya ang show business, lalo na at may mga pagkakataon na kailangan mag-audition at makipagkompetensya sa iba pang artists para makuha ang inaasam-asam na role. Kaya naman, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, ibinahagi ng The Secrets of Hotel 88 cast na sina Dustin Yu, Ralph de Leon, at River Joseph kung ano ang kaya nilang gawin at ibigay para sa ika-uusbong ng kanilang mga karera. Tingnan kung anu-ano ang mga kayang gawin nina Dustin, River, at Ralph sa gallery na ito: