Iba't ibang kontrobersiya ang umiikot ngayon kay Sofia Trazona , ang anak ng dating SexBomb Girl na si Izzy Trazona , at Michael Navarro. Lalong naging matunog ang pangalan ng drag queen nang magsalita tungkol sa LGBTQIA+ community ang step father na si Alvin Aragon. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, binalikan ni Sofia ang itinuturing niya bilang “darkest days;” noong ipahayag niya ang kagustuhan na maging isang drag queen, at ang reaksyon ng nanay niyang si Izzy dito. Sa isang post ni Izzy sa Instagram, ipinahayag niyang miss na miss na niya si “Drei” o Andrei, ang pangalan ng kaniyang anak. “I miss you Drei, you're always in my prayer every day. I love you so much. And that will never be changed. Sometimes, parents & their children have disagreements and its normal. But I know both sides have that pain in their [heart] and wishes that they will just simply agree w/ each other. Both have their own reason of what they are fighting for,” sabi ni Izzy. Ayon kay Sofia, maituturing niyang isa sa mga “darkest days” ng kaniyang buhay ang kawalan ng suporta ng kaniyang ina. Alamin ang buong kuwento ni Sofia sa gallery na ito: