Boobay, Tekla, ibinahagi ang estado ng kanilang mga buhay pag-ibig

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, ibinahagi ng TBATS On the Go hosts na sina Boobay at Tekla ang pinakamasakit na karanasan nila sa larangan ng pag-ibig. Kinamusta rin niKing of Talk Boy Abunda ang lagay ng kanilang mga puso ngayon. Para kay Boobay, ito ay ang paghihiwalay nila ng dating partner na si Kent Juan Resquir noong 2023. Pag-amin ng komedyante, “I think I've moved on, Tito Boy, pero hindi pa ako ready ulit magmahal.” Para naman kay Tekla, “Pinakamasakit, siyempre alam naman ng mga tao na pinagkanulo ka, pero that's -- naka-move on na 'ko. Nakaraan na 'yun pero still, the trauma is there.” Alamin ang buong kwento ng pag-ibig nina Boobay at Tekla sa gallery na ito: