What convinced Bela Padilla to take on her first love scene

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, ibinahagi ni Bela Padilla na isa sa mga roles na tatanggihan niya ay iyong mga hindi makakapag-improve ng kaniyang craft. “If I feel like it doesn't advance my career, Tito Boy, if it doesn't help me as an artist, 'yung parang wala kang mapapakitang acting range,” paliwanag ni Bela. Isa pang role na hindi kayang gawin umano ni Bela ay iyong mga projects na kinakailangan ng love scenes. “Tito Boy, gusto ko lang na kapag may pelikula ako, naiimbitahan ko 'yung pamilya ko sa premiere night. That's so important to me, I want my family to be proud of the movies I do,” sabi ng aktres. Ngunit sa unang pagkakataon, para sa upcoming film nila ni Carlo Aquino na A Special Memory , aypumayag siyang gumawa ng love scenes. Alamin ang dahilan at kung paano naghanda si Bela para dito: