Sa pagtatapos ng Oral Health Month, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa ating "Ngiting Kapuso Project." Hindi lang bagong ngiti ang ating nabigay, kundi kumpiyansa sa sarili at pag-asa na makapagtrabaho muli ang ilan nating beneficiary. Kabilang sa kanila ang isang single mother na hirap maghanap ng trabaho dahil sa pagkabungi.