Si Caprice Cayetano ang itinanghal na Kapuso Big Winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 . Inanunsyo ito sa naganap na PBB Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night nitong Sabado, February 28. Sa mahigit 120 days na pananatili sa loob ng Bahay Ni Kuya, napatunayan ni Caprice ang kanyang pagiging matatag sa bawat hamon. Dito ay mas nakilala niya ang kanyang sarili, nailahad ang kuwento ng kanyang buhay, at nagkaroon ng mga bago at tunay na kaibigan. Hindi maikakaila na sobrang nag-enjoy siya sa Bahay ni Kuya kasama ang kapwa niyang mga Kabataang Pinoy. Nakasama niya sa paninirahan sa iconic house ang kanyang fellow Kapuso housemates at pati na rin ang Kapamilya housemates. Sabay-sabay nating subaybayan ang kanyang journey at ang pagbabalik niya sa outside world. Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'