Tungkol sa second chances ang bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman. Pinamagatang "Ang Presong Nangarap Maging Pulis," kuwento ito ni Von na papasok sa ilegal na gawain para suportahan ang kanyang pamilya. Ipagpapatuloy kasi niya ang pagbebenta ng droga matapos ma-stroke ng tatay niyang drug pusher. Mahuhuli at makukulong si Von sa gitna ng anti-drug campaign ng gobyerno. Maaayos pa ba ni Von ang kanyang kinabukasan? Abangan ang brand-new episode na " Ang Presong Nangarap Maging Pulis ," March 7, 8:15 p.m. sa Magpakailanman. Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play , ang official streaming app ng GMA Network. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV. Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: