Manilyn Reynes, Smokey Manaloto, inalala ang mga payo ni Master Showman German Moreno

Maraming celebrities ang nagsimula ang karera sa tulong ng yumaong Master Showman na si German Moreno sa dati niyang variety show na That's Entertainment . Kabilang dito sina Manilyn Reynes at Smokey Manaloto . Maging ang kanilang Born to Shine co-stars na sina Vina Morales at Tina Paner, galing din sa naturang variety show. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, binalikan nina Manilyn at Smokey ang mga payo ni Master Showman Kuya Germs, at ang mga karanasan nila sa That's Entertainment.