Napapanahon ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents. Pinamagatang "My Basher, My Lover," kuwento ito ng live seller at ng online troll na laging nanggugulo sa kanya. Madalas mag-iwan ng mga hate comments sa live selling videos ni Natnat ang user na si @LoverBoy143. Sa hindi inaasahang pagkakataon, malalaman niyang ang troll na ito ay ang kababata niyang si Tonton. Makakabawi ba si Tonton sa bashing niya kay Natnat? Huwag palampasin ang brand-new episode na "My Basher, My Lover," March 8, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents. Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream . Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito: