PAUNAWA: Ang dokumentaryong ito ay kinunan noong January 31 - February 2, bago ang mga naganap na airstrikes sa Middle East. Nakikiisa ang I-Witness sa rehiyon, at nananalangin para sa kaligtasan ng lahat. Sa lungsod ng Dubai kung saan kumikislap ang mga gusali at tila walang hanggan ang pag-unlad, may mga kwento ang libo-libong Pilipino na pinatatag ng mga sakripisyong hindi nasusukat ng anumang kayamanan. Tumutok sa #IWitness para sa dokumentaryo ni Atom Araullo na #CityOfGold.