All-Out Sundays: Super summer pasabog with All-Out performances! #AOSSuperSummer

Super summer vibes ang hatid ng 'All-Out Sundays' ngayong March 8! Makisaya kasama ang cast ng 'Apoy sa Dugo' sa isang sizzling performance, habang iinit ang stage sa kantahan ng 'Born To Shine' stars na sasabayan ng super biritan ng Kapuso Grand Champions. Sasabog din ang dance floor sa muling pagbisita ng 'Stars on the Floor 2026' dance stars kasama ang Kapuso Dance King na si Rayver Cruz. Samantala, tatlong celebrity contenders ang haharap sa 'Sing My Song' challenge habang aawitin ang hit songs ng OPM band na The Juans. May birthday celebration din para kay Thea Astley, vocal showcase sa 'Just Jong' ni Jong Madaliday, at isang super sexy summer production number mula sa Kapuso stars. Abangan din ang ultimate summer vibe mula sa Kapuso hunks at stunning ladies para sa isang masaya at mainit na Sunday sa AyOS stage! Tunghayan ang ALL-OUT celebration ng inyong AyOS Barkada sa paboritong musical tambayan ng lahat, 'All-Out Sundays,' ngayong Linggo, 12PM! #AllOutSundays Watch GMA's latest musical variety show, 'All Out Sundays' every Sunday afternoon on GMA Network featuring the biggest Kapuso stars: Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Mark Bautista, Kyline Alcantara, Derrick Monasterio, Rita Daniela, and many more! #AllOutSundays #AOS