Aminado si AJ Raval na handa siya magkaroon ng malaking pamilya, basta kaya niya itong suportahan. Sa guest appearance niya sa Your Honor nitong March 7, ibinahagi ng 25-year-old mom and actress kina Chariz Solomon at Buboy Villar kung bakit dream niya ang maraming anak. “Dati nung iniisip ko, kung marami lang talaga akong pera 'yung pinakamadami na kaya ko," ani AJ. Tinanong ni Chariz kung ilan ang naiisip niyang anak noon. Sagot nii AJ, na gusto niya ng isang dosenang anak, “Saya nun, 'di ba? Ano bang gagawin ko sa buhay ko kung marami naman akong pera.” Biro ni Chariz, “Bigay mo sa akin [laughs]." Kaugnay nito, naikuwento rin ni AJ ang kakaiba niyang sagot nang tanungin siya noon ng: "Five years from now ano ang nakikita mo sarili mo?” “Sagot ko, nahiya pa nga ako. Sagot ko nuon, sabi ko [gusto ko] ng farm, tahimik, maraming anak.” Pagdating naman sa parenting style' nila ng partner niyang si Aljur Abrenica, inilarawan ito ni AJ na tradisyonal. Aniya, “Hindi ko masabing gentle parenting, e. Mas ano kami 'yung kung paano magdisiplina 'yung parents natin dati. “Kunwari kagabi... Hyper kasi 'yung anak kong babae. May nakatabi ng hanger sa kaniya, ganun, para hindi na siya tayo nang tayo. Kasi, papatulugin ko apat 'tapos, isa tatayo. Tatayo na lahat 'yun, maglalaro na lahat.” Panoorin ang kabuuan ng panayam sa You Honor video sa itaas. Samantala, tingnan ang celebrities na may lima o higit pang anak dito: