Some people are Born to Shine, at nasa iyo na kung hahayaan mong mawala ang iyong ningning, o pagtitibayin ito. Ipaparinig mo na ba ang boses na matagal mo nang itinatago, o mananatili ka na lang tahimik sa isang tabi? Ang 'Born to Shine' ay pagbibidahan ng ilan sa mga young singers ng henerasyon ngayon tulad nina Zephanie, Michael Sager, Miggs Cuaderno, at Olive May. Mapapanood rin sa serye ang ilan sa pinakamalalaki at iconic na haligi ng music at acting industry tulad nina Manilyn Reynes, Tina Paner, Smokey Manaloto, Roselle Nava, at Vina Morales, kasama si Tessie Tomas. Abangan ang 'Born to Shine,' March 23 na sa GMA Afternoon Prime