Ngayong March 23 na mapapanood ang musical drama series na Born to Shine na pagbibidahan nina Zephanie at Michael Sager . Ito rin ang pagbabalik-tambalan ng dalawang aktor pagkatapos ng kanilang unang pagsasama sa drama anthology series ng GMA Network na Sparkle U. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 17, binalikan nina Zephanie at Michael ang kanilang unang pagsasama sa isang proyekto, at maging ang unang impressions nila sa isa't isa. Alamin ang kwentong iyon sa gallery na ito: