Makulay na talambuhay ng isang ina ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman. Matutunghayan ang kuwento ng nanay ng Kapuso comedienne Herlene Budol na si Mommy Lhen sa episode na pinamagatang "Ang Tanging Ina ni Herlene." Mahilig din sumali sa pageants si Lhen pero lagi siyang talo. Ilang beses din siyang umibig pero bigo rin sa mga lalaking pinagkatiwalaan niya. Masisira din ang relasyon niya kay Herlene at iba pa niyang mga anak nang iwan niya ang mga ito para magtrabaho. Paano makakabawi si Lhen kay Herlene at sa mga kapatid nito? Abangan ang brand-new episode na " Ang Tanging Ina ni Herlene, " March 21, 8:15 p.m. sa Magpakailanman. Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play , ang official streaming app ng GMA Network. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV. Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: