Carmina Villarroel, Zoren Legaspi tungkol sa viral 'power couple' blind item: 'May ganiyan palang balita?'

Naiiba ang naging reaksyon nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa kumalat noon na blind item tungkol sa isang “power couple” na nanganganib diumano ang relasyon at nagbabadyang maghiwalay. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 19, inamin nina Carmina at Zoren na hindi sila nag-react noon sa mga balita dahil hindi naman kailangan. Sabi ni Zoren, “Nagulat lang kami na 'What? May ganiyan palang balita?'” Sa halip, nakita lang nila ito bilang compliment sa kanila na itinuturing silang “power couple” ng netizens. “Nasa listahan kami, parang medyo du'n sa positive side, 'Wow, power couple pala kami.' 'Yun lang 'yung magandang naidulot sa amin, 'Uy, na-consider tayong power couple,'” sabi ni Carmina. Alamin ang buong kwento sa gallery na ito: