Tagisan ng mga magpapanggap ang mapapanood sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents . Pinamagatang "Echoseras," tungkol ito sa dalawang tao na susubukang i-expose ang isa't isa. Fiery at palaban si Sara (Lexi Gonzales) at makakaaway niya ang openly gay na si Echo (Shecko Apostol) dahil interesado sila sa isang lalaki. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muli silang magkikita sa probinsya kung saan magkukunwaring straight si Echo dahil sa ex-military man niyang lolo. Magkukunwari namang sweet at loyal si Sara dahil boyfriend pala nito ang pinsan ni Echo. Susubukang i-expose ni Echo na cheater si Sara. Susubukan naman ni Sara na isiwalat na hindi straight si Echo. Matututo ba silang magtulungan o kaya naman ay maging honest tungkol sa kanilang mga sarili? Huwag palampasin ang brand-new episode na " Echoseras ," March 22, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents . Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream . Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito: