Ron Angeles's agency issues statement on actor's involvement in viral private video

Naglabas na ng statement ang House of Mentorque tungkol sa isyu na kinasasangkutan ngayon ng isa sa kanilang talents na si Ron Angeles. Dito ay binigyang diin ng naturang agency na ang mga video ay lumabas at kumalat nang walang pahintulot at may nakarating na report na ang kopya ay ibinebenta o pinagkakakitaan pa online. Inilahad din dito na ayon sa initial investigation, natukoy ang ilang indibidwal na posibleng konektado sa isang organization na sangkot sa illegal recording at exploitation. Nabanggit din sa statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Ron Angeles tungkol dito at kasalukuyan siyang nakikipagtulungan sa mga awtoridad upang matunton na ang mga sangkot sa pagkalat ng video. "Ron Angeles has formally filed a complaint. We are fully committed to pursuing this case relentlessly until every individual involved is identified, held accountable, and brought to justice." Binigyang diin din ng agency ang tungkol sa kanilang concern sa malaking emosyonal na epekto ng pagpapakalat ng video sa mga biktima at pati na rin sa kani-kanilang pamilya. Kaugnay nito, nanawagan ang House of Mentorque sa publiko na huwag i-share, i-repost, o huwag na umanong makisali pa ang iba pang netizens sa pagpapakalat ng video lalo na't may kaukulang parusa ang paglabag sa batas na may kaugnayan dito. May paalala rin sa netizens tungkol sa responsableng paggamit ng social media. "Let us all act responsibly on social media. The continued sharing and resale of these videos on messaging platforms is a punishable offense..." Source: Mentorque (Facebook) Ibinahagi ni Ron ang kopya ng naturang statement sa Instagram Stories. Samantala, matatandaang kamakailan lang ay naglabas din ng statement tungkol sa leaked video sina Gil Cuerva , Arron Villaflor , at asawa ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio . Related content: 2025 Year in Review: K-pop and celebrity scandals in 2025