Kinagigiliwan sa social media ang twinning moments ng actress-global fashion and style icon na si Heart Evangelista at ng kanyang little fan na si Indai Eunice . Na-meet ni Heart si Indai Eunice sa isang event, kung saan ipinakilala ang una bilang celebrity endorser ng isang fast-food giant na McDonalds. Ang naggagandahang outfits ni Indai Eunice na ni-recreate ng kaniyang Mama Rochelle ay inspired sa elegant at stylish outfits ni Heart na isinuot niya sa ilang big events. Silipin ang twinning outfits nina Heart at Indai Eunice sa gallery na ito.