Patuloy ang pamimigay ng papremyo ngayong 2025 sa Family Feud dahil sa " Guess More, Win More " promo! Sa "Guess More, Win More" promo, ang mga tumututok at nakikisagot sa family game show na Family Feud ay may chance na manalo ng PhP10,000 at PhP 100,000. Bukod sa kaabang-abang na pagsagot ng top answer sa survey questions ng celebrity players, ang home viewers ay may pagkakataon namang manalo Lunes hanggang Biyernes sa "Guess More, Win More" promo. Para sumali, manood lamang ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA at sagutin ang mga inihandang mga tanong na ipalalabas sa bawat episode. Ang mga sasali sa "Guess More, Win More" promo ay maaari lamang mag-submit ng isang entry sa bawat tanong. Ipadala ang entries sa promo website . Ilagay ang sagot, full name, complete address, birthday, email address, and mobile number. Puwede ring i-scan ang QR Code na ipalalabas sa screen para makarating sa promo website. Para sa kabuuang detalye, bisitahin lamang ITO . Abangan ang Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA! Mapapanood din ang Family Feud online sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com. DTI Fair Trade Permit No. FTEB-232675 Series of 2025 Narito ang mga listahan ng mga nagwagi sa Family Feud "Guess More, Win More " Promo: