Kaunting panahon na lang, malapit nang manganak si Kapuso comedienne Valeen Montenegro. Sa November nakatakdang i-welcome ni Valeen at ng kanyang non-showbiz husband na si Riel Manuel ang first baby nila. Puspusan na ang paghahanda ng mag-asawa para sa pagdating ng kanilang panganay. Naglaan na sina Valeen at Riel ng isang kwarto sa kanilang tahanan para maging nursery ng kanilang baby boy . Pinuno na rin nila ito ng ilang mahahalagang gamit na kakailanganin tulad ng crib, mga damit, cleaning supplies, diaper changing station, at sterilizer. Dinisenyuhan din nila ito ng dinosaur figurines at stuffed animals para maging kaaya-aya sa bata. "Building this nursery with you has been one of may favorite adventures yet. I can't wait to tell little Manuel about the time we had to fight over the crib placement," sulat ni Valeen sa Instagram kalakip ng maikling video kung saan ina-asesmble nila ni Riel ang crib. Bukod dito, naglaan din si Valeen at Riel ng oras para i-celebrate ang nalalapit na pagdating ng bagong adisyon sa kanilang pamilya kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Nagdaos sila ng intimate dinosaur-themed party para sa kanilang pamilya at mga kaibigan kung saan ni-reveal na rin nila na Tiago Alonzo ang magiging pangalan ng kanyang first baby boy. Silipin ang nursery na inihanda ni Valeen Montenegro para sa kanyang baby, pati na ang mga last minute celebrations nila bago ito dumating dito.