Aminado ang aktor na si Jericho Rosales na maraming naging highs and lows ang kaniyang buhay at karera. Matatandaan na 16 na taong gulang pa lang siya noong unang nakilala ang aktor sa “ Mr. Pogi ” segment noon ng Eat Bulaga kung saan nagsimula ang kaniyang karera sa show business. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 14, pinasalamatan ni Jericho ang hosts at staff ng dating noontime show ng GMA Network sa pagtulong sa kaniya. “Grateful to lahat ng mga taga Eat Bulaga nu'ng time na 'yun na nag-coach sa'kin, and I would just like to give my 16-year-old self a tap on the shoulder for braving that Mr. Pogi, and I owe everything to that,” sabi ni Jericho. Tanong sa kaniya ni King of Talk Boy Abunda, “Gaano kalaki doon sa 16-year-old boy who was dancing, running, on that Eat Bulaga stage, is still there, Echo?” Alamin ang pagbabaliktanaw ni Jericho sa kaniyang naging karera sa gallery na ito: