Napapanahon ang bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman . Pinamagatang "Ang Huling Paalam," tungkol ito sa isang pamilya na masisira dahil sa sugal. Masipag sa trabaho ang mag-asawang sina Steve at Joan dahil unti-unti silang nag-iipon para bumbuo ng sarili nilang pamilya. Pero malululong si Steve sa sugal at makailang beses na lulustayin ang pera nilang mag-asawa. Nanantiling namang maunawain si Joan at hihikayating magpasuri sa mental health professionals ang kaniyang asawa para matugunan ang gambling addiction nito. Tuluyan na bang masisira ang mga pangarap nina Steve at Joan dahil sa sugal? Abangan ang brand-new episode na "Ang Huling Paalam," October 18, 8:15 p.m. sa Magpakailanman . Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream . Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: