Babae, makikilala ang long lost siblings sa 'Regal Studio Presents: Instant Ate'

Kuwentong pang pamilya ang hatid ng brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents. Pinamagatang "Instant Ate," tungkol ito sa isang babae at mga kapatid na ngayong lang niya makikilala. Matagal nang plano ni Kimberly (Arra San Agustin) na lumipat sa Canada para doon na manirahan at magtrabaho pero marami pa siyang mga utang kaya hindi pa siya makaalis ng bansa. Isang malaking surprise ang darating sa kanyang buhay! Makikilala niya sina Tio (Bryce Eusebio) at Tasha (Aya Domingo), mga half-siblings niya. Dahil comatose ang ama nila, si Kimberly muna ang magiging legal guardian ng dalawa. Paano bibigyang ni Kimberly ng lugar at oras sa buhay niya ang mga kapatid? Makakasira ba sina Tio at Tasha sa mga plano niya? Huwag palampasin ang brand-new episode na " Instant Ate, " October 19, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents. Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream. Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito: