Celebrities na nagpa-tattoo kay Apo Whang-Od

Isa nang living legend ang “mababatok” o tattoo artist na si Whang-od . Ipinanganak siya noong February 17,1917 at siya ang pinakamatanda na Kalinga tattoo artist na nabubuhay ngayon. Marami na ring natanggap na parangal si Whang-od. Noong 2018, inanunsyo ng National Commission for Culture and the Arts na bibigyan nila ng parangal si Whang-od, ang Dangal ng Haraya Award ay personal na inihatid sa Kalinga para kay Whang-od. Kaya naman dinarayo ng mga tao pati na rin ng mga artista si Whang-od. Tingnan ang tattoo designs sa mga artista na ginawa ni Whang-od.