Celebrities open up about depression, anxiety, and other mental health issues

Ilan sa mga sikat na celebrity ang buong tapang na ibinahagi sa publiko ang pinagdaanang pagsubok kaugnay ng kanilang mental health. Base sa impormasyon ng World Health Organization (WHO) noong 2020, mental and behavioral disorders account for about 14% of the global burden of disease. At hindi baba sa 450 million katao ang dumaranas ng ganitong klaseng sakit. Samantala, 3.6 milyong Pinoy ang nakararanas ng mental, neurological, and substance use disorder ayon sa pag-aaral na ginawa Philippine WHO Special Initiative for Mental Health sa unang bahagi ng 2020. Matatandaan na dating nang nagkuwento ang Megastar Sharon Cuneta tungkol sa pinagdaanan niyang depresyon. Nagsilbing inspirasyon din ang Queen of Creative Collaboration na si Heart Evangelista nang umamin ito na maging siya ay dumaan rin sa matinding depression matapos makunan noon. Payo ng Kapuso primetime star, "It's very important for you to be open and to talk about it. To surround yourself with good people." Kilalanin ang ilan pang celebrity at personalidad na nagbahagi rin ng kanilang mental health journey sa gallery na ito.