Matinding pinsala ang idinulot ng Bagyong Tino sa iba't-ibang bahagi ng Visayas gaya ng lalawigan ng Cebu kamakailan. Maraming pamilya ang nawalan ng tirahan, kabuhayan, at maging mga mahal sa buhay dahil sa hagupit ng malakas na ulan at hangin na nagdulot ng pagbaha. Sa gitna ng trahedya, ilang celebrities ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at pakikiramay sa mga nasalanta. Gumamit sila ng social media upang humingi ng tulong para sa mga apektadong pamilya at maghikayat ng donasyon. Bukod dito, marami rin sa kanila ang nag-alay ng dasal para sa mabilis na pagbangon ng mga biktima at kaligtasan ng lahat. Sa gallery na ito, makikita kung paano nagpahayag ng damdamin ang mga artista at personalidad para ibahagi ang kanilang malasakit at pakikiisa para ipanawagan ang hustisya matapos ang matinding kalamidad.