Mga probinsyang sinalanta ng Super Bagyong Uwan, hinatiran na ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Uwan, mabilis na kumilos ang inyong GMA Kapuso Foundation para maghatid ng agarang tulong sa mga apektado. Sa araw na ito, nakapagbigay tayo ng relief goods sa 20,000 indibidwal mula sa Cagayan, Northern Samar, at Camarines Sur sa ilalim ng ating Operation Bayanihan.